Hey, Fye flafus!
Yan ang isa sa mga natutuhan ko sa pakikisalamuha sa mga B'laan ng New Society National High School. nanangangahulugang Hello, Good Morning.
Sa aking pag iinterview sa mga B'laan ay narealize ko na ang pagiging B'laan ay sadyang nakakatuwa dahil maraming magandang bagay kang malalaman.
Kasuotan tulad ng Buluso(bracelet), Litis(earings), Sabiton(belt), Suwat(suklay), at Batangwak,(kimpit) Ang sinusuot ng mga lalaking B'laan ay Tabi samantalang sa babae naman ay Albong Ansit.
Musikang Instrumento tulad ng Gong at Fublong.
Mga Masasarap na Pagkain tulad ng Kafuk at Lamad. Ang kafuk ay halos magkasing tulad ng suman pero ito ay kanilang dinadasalan at ang hugis nito ay pabilog.
Ang Lamad naman ay isang pagkain ng mga B'laan na kinakain lamang nila kapag may okasyon o di kaya'y pasko. Kadalasan ito ay may halong Ube at Kamote.
Meron din silang sayaw na kung tawagin ay Maral. Ang Maral ay isang sayaw na seremonya ay madalas na ginaganap kapag ang kapangyaruhan ng Fulong o Datu ay gaganapin sa tiwala at katayuan upang akuin ang responsibilidad ng Flong o Datu. Ito ay isinasagawa kapag Fulong o Datu ay napasiya na ypang pumasa ng katayuan ng Fulong sa Kanyang anak na lalaki.
Ang mga B'lann ay dapat nating pangalagaan dahil sila ay matutring na yaman ng mga bundok sa Mindanao. Tulad natin ay tao rin sila dapat hindi sila binbully at dapat respetuhin nating ang kanilang tribo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento